Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka

movie poster of Alex Gonzaga  Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka

** This is not meant to spoil the movie, but to share the things I realized after watching “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka”

1. Masarap magmahal lalo kung mahal ka din ng taong mahal mo. At kung gaano naging masarap at naging masaya yung pagsasama niyo panigurado magiging ganun din kasakit kapag bigla ka nalang niyang iniwan.

2. “Ganun nalang ba ko kadali kalimutan? Ginawa ko naman lahat ah.” – Kahit ibigay mo lahat, kahit gawin mo pa ang lahat, kung talaga gusto niyang iwan ka, wala kang magagawa. Never beg someone to stay.

3. Kung mahal ka talaga ng isang tao, hindi ka masasaktan. Alam kong parte ng pagmamahal ang masaktan, pero kung puro sakit nalang yung nararamdaman mo, kung mas nangingibabaw yung lungkot kesa sa saya, tama na, tigil na.

4. Higit 7 bilyon ang tao sa mundo, wag mag-focus sa taong di ka mahal, sa mga taong hindi ka pinapahalagaan, dahil for sure sa dami ng tao sa mundo meron at meron nagmamahal sayo.

5. Hindi lang ikaw yung nasasaktan sa mundo. Minsan hindi mo alam na habang nasasaktan ka, may tao sa paligid mo na nasasaktan din sa nangyayari sa’yo.

6. “Sa pag-ibig, masakit ang masaktan pero mas masakit ang makalimutan, makalimutan ng taong hindi mo magawang kalimutan.” – Dr. Rolex

– Sa totoo lang, ang isa sa pinaka-worry ko noon e makalimutan ako ng ex ko. Na baliwalain niya lahat yung ilang taon naming pinagsamahan. Habang ako, naalala ko lahat at pakiramdam ko kahit kelan never kong makakalimutan. Pero may sinabi siya sakin na tumatak din sa isip ko, and these were his exact words “I am sorry if things between us got messy pero super thankful ako that I have spent those 6 years with you. Yeah it’s not a perfect 6 years but it was worth it. No one can take that 6 years away. Thank you talaga for everything. You’ve been a big part of my life”

Mahirap talagang kalimutan yung tao na naging bahagi na ng buhay mo lalo na kung sobrang minahal mo siya. Kung ginawa at binigay mo lahat para sa kanya. Oo masakit maiwan, pero mas masakit manatili kung ikaw na lang yung may gusto. Sa ngayon, siguro lahat ng nasasaktan gugustuhin nalang makalimot para mawala lahat ng sakit. Sabi nga “What doesn’t kill you makes you stronger”

#NakalimutanKoNangKalimutanKa #NakalimutanKoNa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *