Ilang oras na lang lilipas na naman ang isang taon, kailangan na naman salubungin ang panibagong taon. Pero handa na nga ba ako iwan ang 2013? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil matatapos na siya o dapat ba akong malungkot kasi maraming nangyari na hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap?
Dumating sa puntong ayaw mo ng gumising kasi alam mong pagkagising mo, ganun pa din ung sitwasyon. Napakahirap ngumiti at ipakita sa mga tao na okay ka lang kahit na literal mo ng nararamdamang kumikirot ung puso mo. Yung tipong tanungin ka pa lang ng “kamusta ka na?” e maluluha ka na. Mukhang OA pero totoo.
Sa mga nangyayari to, nakakatuwa pa din isipin na parang naging daan pa siya para maging malapit ako sa ibang tao. Mas nakilala ko kung sino ung nandiyan para damayan ako. Sa mga taong iyon, maraming salamat. Salamat sa hindi pag-iwan, salamat sa pagpapatawa, salamat sa pag-abot ng panyo o tissue kapag ako’y naiiyak na.. at salamat sa pagsabing magiging ok din ang lahat. 🙂
at dun sa nag-iisang tao na hindi pa din ako iniiwan kahit na nagkakaroon din kami ng problema, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagbibigay sakin ng lakas at ngiti sa mukha. 🙂 at siyempre kahit na feeling ko ang miserable ng 2013 ko, nagpapasalamat pa din ako sa Diyos at minulat niya ko sa maraming bagay. At patuloy niyang pinaramdam na hindi ako nag-iisa.
Sana sa 2014, maging maayos at masaya na. Year of the horse, taon ko yun. Pagbigyan niyo na po ako =))
Advance Happy New Year sa lahat!!!
Leave a Reply