Salamat 2011

Tulad ng madalas kong sabihin… “No I’m not lucky, I’m blessed”

Half of 2011 went well and half of it ay parang isang rollercoaster ride, adrelaine rush, nakakahilo, nakakasuka. Pero sa huli matutuwa ka padin kasi after ng ride na yun, masasabi mong… “wow, kinaya ko siya!” at magpapasalamat ka din na pagkatapos nun e, buhay ka pa. 🙂

Maraming nangyari sa isang buong taon, aminado ako na hindi lahat ay masasaya, may mga naging problema din, naging malungkot, umiyak at tumawa… Ang maganda lang e after ng mga negatibong bagay na nangyayari, mayroon namang magandang kapalit. Laging tandaan, hinding-hindi ka bibigyan ng problema ng Diyos kung hindi mo ito kakayanin. 🙂 Have Faith ^/\^

At kahit anu pa man ang mangyari, ‘wag kalimutan ang magpasalamat…

SALAMAT…

Sa mga taong laging andiyan sa tabi ko, sa mga panahong kailangan ko ng makakausap, sa mga panahong mahina ako at kailangan ko ng lakas ng loob. Salamat at kahit paano alam kong may mga taong nagmamahal pala sa akin, kahit na ba alam kong may mga oras na hindi ako naging mabuting anak, girlfriend, kaibigan, kamag-anak o katrabaho. 🙂

Sa aking mga magulang: Salamat sa lahat ng bagay, alam kong hindi sapat ang salamat lang, pero yun lang kasi ang kaya kong ibigay… sa ngayon. haha. Ayoko ng magkaron ng New Year’s resolution na magpapakabait ako… dahil ang HIRAP nun gawin 😀

Kay Enteng: Salamat sa patuloy na pagmamahal, alam kong may mga oras na gusto ng sumuko, gusto ng bumitaw, gusto ng magpahinga… pero eto parin tayo… Sana sa pagpasok ng 2012, tuluyan ng maging maayos ang lahat.. 🙂 iloveyou with every beat of my heart ♥

Ka-startgroup+Arnie/DBHR buddies: Thank you sa pagsama tuwing lunch, merienda, pati yung mga bigalaang session sa central. Salamat sa pakikinig pag wala akong ibang makausap…lalo na kay Rod at PJ. Yeahmennn! Hahaha.

OTI: para ko na kayong mga kapatid, at dahil jan… lubos akong nagpapasalamat.. Cheers to more years of friendship! Hope to see you all again… soon 😀

IT Friends: Kahit na ba may mga kanya-kanyang buhay nagkakaroon pa din tayo ng time magkita-kita, kahit na ba bihira lang. 😀 Namimiss ko na kayo! D

DBHR Infra-DBA: Masayang-masaya ako at napunta ako sa team na ito! Ang sarap ng feeling magkaroon ng mga Ate at Kuya. 😀 Salamat sa mga tinuro niyo sa akin at pasensya na kung may mga oras na ang slow ko. Hahaha at kung napakadami kong tanong… may mga times lang na takot akong magkamali kaya paulit-ulit akong nagtatanong.. para lang sure di ba. 😀 Wag sana kayong maiinis sakin. 😀

Erazo Family: What more can I say? Basta I love you all.. Each and everyone of you! 😀

Sa isangkatutak na biyayang natanggap ko, sa pagbigay sa akin ng kakayahan bilhin ang mga bagay na gusto ko. Sa pagkakapromote sa trabaho. Sa mga bagong kaibgan, bagong experience at mga bagong natutunan sa trabaho.

At higit sa lahat, salamat sa Diyos sa pagbigay sa akin ng lahat ng ito at sa isa nanamang panibagong taon! 😉

Ito yung mga ilan sa FB status na hinding hindi ko malilimutan:

Salamat sa Facebook Timeline at hindi ako nahirapan i-recall ang mga nangyari buong taon

Ilang oras na lang, ilalatag ko na ang red carpet para sa pagsalubong sa 2012.

Happy New Year sa lahat! 😀

One response to “Salamat 2011”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *