Magsimulang muli

Natakot ako noon mag-simula muli,
iniisip ko kung kaya ko pa bang ngumiti.
Baka ganun talaga kapag sobrang nasaktan ka
Parang gumuho lahat tapos naiwan kang mag-isa.

Yung pakiramdam na siya yung umalis pero ikaw yung nawala.
Yung pag-gising mo bawat umaga lagi ka lang tulala.
Yung mag-hapon kang nakakulong sa kwarto’t nakahiga.
Yung mababalot ng lungkot yung buo mong pagka-tao at maiiyak na lang bigla.

Pero nakakapagod din pala na puro lungkot na lang yung nadadama
Kaya isang araw sabi ko, “teka parang hindi na ito tama”
Ilang buwan yung sinayang ko at napunta lang sa wala.
Sasayangin ko na naman ba?

Unti-unti akong bumangon at pinulot isa-isa
bawat piraso ng puso kong iniwan niya nalang basta
Hindi naman mahalaga kung gaano katagal inabot
ang mahalaga alam kong itong puso ko ganoon pa din kalambot

Kaya naman muli kong binuksan ang aking puso,
alam kong dadating yung panahong mag-mamahal ulit ito.
Ang tanging ipinagdadasal ko,
sana doon na sa tamang tao.

Sa bawat pag-lipas ng mga oras at sandali
Doon ko naisip, wala naman palang mawawala kung magsisimula muli
Totoo na tuloy ang pag-ikot ng mundo
at hindi ito hihinto dahil lang sa iisang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *