Sa mga hindi po nakakaalam, si Izha Marie ay pinsan ko pero itinuturing ko siya para ko na ding kapatid. Halos samin na siya lumaki kaya madalas noon mapagkamalan na magkapatid kami. Kung titignan, para naman kasi talaga kaming magkapatid. Lalo na nung medyo nagdalaga na siya hindi lang ichura kami nagkakalapit kundi pati na sa ugali, magkapareho na din daw.
February 18, around 6:00PM nakatanggap ako ng tawag mula sa Mama ko. Hello pa lang niya alam ko ng may hindi maganda sa sasabihin niya. Tanging iyak at hikbi ang maririnig mo sa telepono… “Be, si Izha… kritikal, iba na ang ichura niya”. Nung narinig ko yun, kakaibang kaba at takot ung naramdaman ko. Ang daming tanong ung gumugulo sa isip ko, “Anong nangyari?”, “Bakit siya?”, “Bakit biglaan”.
Nung sinugod siya sa ospital. kritikal na nga daw ang lagay niya at kailangan siyang ilagay sa ICU. Ang sabi ng mga doktor 48 hours na lang ang itatagal niya. Kinabukasan Wednesday dinalaw ko siya sa ospital, sobrang hirap na makita siyang ganun.
[…will continue this entry later]
Leave a Reply