Beware of this Taxi

Halos every night akong sumasakay ng taxi sa kanto ng Blueboz at C5, sa may ilalim ng overpass. Usually before ako sumakay tinitignan ko muna ung itsura ng taxi. Mapili talaga ako pagdating sa ganun, gusto ko mukhang bago at mukhang mapagkakatiwalaan ung driver. Pero ngayong gabi, October 14, 2013 6:54PM hindi ko nagawang mamili ng sasakyan. Sa rasong nagmamadali ako dahil ayaw ko ma-late at maabutan nananamn ng sobrang traffic.

Cobster yung name nung nasakyan kong taxi at may plate number na TWN371. Hindi siya kagandahan, sobrang luma na at parang wala pang aircon. Nakaandar na yung taxi nung napansin kong nakabukas ung bintana sa driver’s seat at passenger’s seat. At dahil naka-witness na ako ng may na-snatchan along C5, sinabihan ko ung driver na pakisara yung bintana.

Driver: “nako, nawawala kasi ung pangsara nung bintana, pasensya ka na”

Nun pa lang kinabahan na ko, tinignan ko ung bintana sa pwesto ko at dun ko napansin na lahat nung bintana e walang pang-sara. So ang tanging choice ko nalang talaga ay i-lock ang pinto at maging alerto. Sa buong byahe na un sobrang kabado ako, uneasy talaga ung feeling. Dinadaldal pa nga ako sobra nung driver, at ilang beses niya akong inuto.

Driver: “kanina ko pa napapansin, kamukha mo si Judy Ann. siguro madami kang boyfriend sa ganda mong yan”
*silence* *nagawa ko pa pong i-tweet na kamukha ko si judy Ann*
Driver: “wag mong sabihing wala kang boyfriend? Baka gusto mo ng boyfriend na foreigner. Madami akong kilala”
Ako: meron ho. pero hindi madami. isa lang.
Driver: “ah. gwapo siguro boyfriend mo, ang ganda mo kasi”

pag kasabi niya nun, nagawa ko pang i-text si Cent. Medyo ang creepy na kasi talaga nung ichura nung driver habang nakikipag-usap. Nung mga time na nagtetext ako, nakalagay sa loob ng bag ko ung cellphone, hindi ko talaga siya nilalabas kasi nga alam kong nakabukas ung bintana at malaki ung posibilidad na may manghablot nun. Around 730PM may biglang tinawagan si Manong driver, hindi ko masyado naintindihan ung sinabi niya sa kausap niya kasi biglang lumakas ung radyo (coincidence?) at dun na sa bandang ilalim ng elevated u-turn sa pa-northbound C5 may bigla na lang lumusot na kamay sa bintana at hinablot ung cellphone ko. At dahil alerto ako, at ramdam ko na may hindi magandang mangyayari sa byahe na yun… nagawa kong hablutin pabalik sakin ung cellphone.

Tinatanong agad ako nung driver kung nakuha sakin ung cellphone.

Ako: “Hindi ho nakuha. Sabi ko na kasi sainyo manong isara niyo yung bintana. Alam kong madaming magnanakaw dito” Driver: “Kung nakuha yan sayo nako, baba talaga ako at hahabulin ko un”

*Sa loob loob ko, mas kita nga na siya ung may hawak na cellphone at mas madaling hablutin ung kanya, bakit ung akin pa ung napagdiskitahan nung magnanakaw?*

sumegway pa bigla si manong na siya din daw nanakawan na dati. Kinwento niya pa kung pano, sana nga hindi na lang e, kasi medyo ang bastos at censored. tapos sasabihan niya pa ako na wag akong matakot sa kanya. Takot na takot na nga ako! Promise next time susundin ko na ung instinct ko at hinding-hindi ko iibahin ung routine ko sa pagchecheck ng sasakyan ko!

 

One response to “Beware of this Taxi”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *