… dahil Pebrero na, ang buwan na inaabangan ng karamihan ng “teenagers”, lovers, at mga taong sobrang inlove sa idea ng pag-ibig. Ang buwan na kinaiinisan ng mga bitter, may mga ilan na humihiling na sana hanggang 13 na lang ang Pebrero o kaya naman e burahin na ang ‘February 14’ sa kalendaryo.
Bakit nga ba parang isang napaka-espesyal na araw ang Valentine’s Day? Kahit saan ka pumunta puro puso, bulaklak at bear makikita mo,, mga couples na sweet-sweetan (yung ilan PDA pa nga), ang dami ding promo sa mga anu (alam niyo na un), tapos halos lahat na ata ng istasyon ng radyo puro love songs na ang tugtog.
Yung iba pumapayag na din sa blind dating at speed dating pag Valentine’s. Hindi naman ako against sa mga taong involved sa ganito, alam kong kanya-kanyang trip lang yan… Pero sabi nga: “Wag kang maghanap ng ka-date sa Valentine’s Day dahil isang araw lang naman iyon. Ang hanapin mo ay yung makaka-date mo habang buhay” 🙂
Kung single ka at feeling mo isa kang member ng SMP (Samahan ng Malamig ang Pebrero), ‘wag ka masyadong ma-SAD dahil araw mo din naman ang February 14 aka Single Awareness Day. Matuwa ka dahil may mga taong mas gugustuhing manatiling single na lang sila. 🙂
Kung may boyfriend/girlfriend ka naman, wow… good for you. Wag mong inggitin yung mga single ha? Hindi lang kayo ang may karapatang sumaya ngayong araw na ito. 😀
Kung tulad naman kita na magtatrabaho sa araw na yun, ayos lang yan… makipagtitigan sa monitor at makipagholding-hands sa mouse! 😉
Plus kilig factor na lang naman kapag may nagbigay ng chocolates or flowers sa’yo sa Valentine’s. Materyal na bagay na pwedeng matunaw o malanta, baka nga hindi pa umabot kinabukasan di ba? 😀
Basta sana wag makalimutan ng lahat na hindi naman kailangan hintayin ang February o ang mismong “Valentine’s Day” para iparamdam sa mga taong mahal mo, na mahal mo sila. 😉
Leave a Reply