Sinong tamad?

Oo na… Ako na! ๐Ÿ˜€

Nakakatawang makita na ang huling post dito eh nuong September pa… Boo! Wala akong kwenta, I know! Pero siguro kung super updated ito ng mga ‘detailed’ na nangyari sa buhay ko… Ang daming mag-eenjoy magbasa. Lalo na yung ibang nag-aadd sakin sa Facebook para lang maki-chismis sa nangyayari sa buhay ko. ๐Ÿ˜‰

At dahil madami na ngang nangyari sa mga nakaraang buwan, let the pictures do the talking na lang… ๐Ÿ™‚ At mga highlights nalang ng bawat month ang ilalagay ko.

September

DBHR’sย Masquerade Ball at ย Makati Shangri-La hotel

October

365 days ng pagmamahalan, away-tampuhan. Sobrang mahal ko siya, at syempre kapag sobrang mahal mo ang isang tao.. Mapagod ka man sa paulit-ulit na nangyayari… Hindi ka padin susuko. Hindi ka bibigay agad ๐Ÿ™‚ My ginawa akong simpleng video sa iPod pwede mo din panoorin kung gusto mo. ๐Ÿ™‚

[spoiler]

[/spoiler]

5 Days Singapore Trip

From Singalong to Singapore: First out-of-the-country trip with parents. 2004 pa lang may passport na ko at after 7 years, finally nagamit na siya. ๐Ÿ˜€ Ang hirap idetalye ng bawat lugar na pinuntahan namin… Kung susumahin siguro ang masasabi ko lang e, willing ako bumalik dun if ever may chance ulit. At malay mo, dun ko pa maisipan mag-trabaho. HAHA.

November

Welcomed Gareth Sebastian into the Christian World. Another bonding time kasama ang mga pinsan. ๐Ÿ™‚

Elaine’s Birthday Celebration – Nung last time na nakainuman ko sila, yan din ung suot ko. HAHA. So official na na yan ang uniform ko pang-inom ๐Ÿ˜€ Ang saya kapag walang humpay sa pag-inom. Hindi naman masyadong nalasing pero aminadong may tama na. Nun ko lang naramdaman na hindi na straight ung paglalakad ko. ahaha.ย At hindi ko na din maalalang nakapag-text pa ako bago mawalan ng ulirat. hahaha Grabe lang, pero enjoy naman! Sa uulitin! ๐Ÿ˜€

December

DBHR’s Luau Christmas Party – 1st time napasayaw sa harap ng mga ka-project, ang galing ng Team 2. On the day itself ang practice! ย At after ng kahihiyan na ginawa, hindi nakuntento at dinagdagan pa ng isa. Nagkaroon ng isang epic performance ng ‘Last Christmas’ ๐Ÿ˜€ Buti na lang medyo nakainom na kaya medyo kumapal na ang mukha!

CTB DBHR Go-Live Celebration – Movie nights sa Shangri-La, this time Mission Impossible 4: Ghost Protocol naman. Ang gwapo ni Tom Cruise. <3

Christmas 2011 – Nakakapanibagong mag-celebrate ng Christmas Eve sa sariling bahay. Nasanay na ako na for the past few years, dun kami sa bahay ng lola ko nagcecelebrate. Eh since nasa Abu Dhabi sila, napag-decidan papuntahin na lang ang mga tito/tita at mga pinsan dito sa bahay.

Gamit na gamit ang Xbox 360 Kinect sa pa-contest ni Papa. At dahil sa aming lahat magpipinsan, ako lang ang hindi marunong sumayaw… hindi ko na ineexpect na mananalo ako. ๐Ÿ˜€

Hanggang sa muling pagba-bonding. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Oras na para gumawa naman ng isang malupet na Year-End post. ๐Ÿ˜‰ *fireworks*

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *