HELLO WORLD! ~ Ang nakakasawang title ng unang post kapag bago ang website mo. π Hello sa panibago na namang domain. Sa ika-7 na taon ko sa blogging world, hindi ko na maalala kung pang-ilang domain ko na ito.
Minsan naisip ko na tumigil na lang sa pagba-blog kasi hindi ko na rin naman mapanindigan yung inuumpisahan ko. Pero kahit anong gawin kong pagpigil, binabalik-balikan ko pa rin ito. Ito ang First Love ko. alt+3 Β Bakit nga ba ako nag-blog?
- Gusto ko i-share kung ano nararamdaman ko. – Β Sa totoong mundo, mas madalas ako yung ‘nakikinig’ lang kaysa sa nagsasalita. Kaya dito ako naman ang magkikwento. π Mapa-masaya o malungkot pwede mo i-share dito, hindi dahil gusto mo ipangalandakan sa mundo kung ano nararamdaman mo (
yung iba, wala naman kasi talagang pakielam dun) pero may mga tao na makakarelate sa’yo at isa un sa mga nakakatuwang feeling… ang malaman na hindi ka nag-iisa. π - Malalaman mo kasi yung opinyon ng iba tungkol sa mga bagay-bagay. – hindi puro yung pinaniniwalaan mo lang. π
- Trip ko lang talaga – Ang trip na matrabaho pero masaya. Minsan pwede pa kumita ng pera.
// Site Related:
- For Link Exchanges: Just leave a comment on this post. π
- I’m still adding some pages, will update all links once I’m done with ’em
Leave a Reply