Let’s go digital, ngayon na

Hindi lang ang buhay ng mga tao ang nagbago makaraang tumama ang COVID-19 na pandemya sa buong mundo noong nakaraang taon. Maraming namatay, nawalan ng negosyo at dahil walang negosyo, marami din ang nawalan ng trabaho. Marami din ang natigil sa pag-aaral at pagtuturo dahil nagsara ang mga paaralan.

Gayunpaman, nakasira man sa maraming aspeto ng buhay ang sakit na ito, mayroon din namang kung tawagin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na nagsilbing “silver lining” sa kabila ng mga masaklap na mga pangyayari. Napilitan mag-isip ang marami kung paano mabubuhay, ang mga negosyante nag-isip din dahil marami sa kanila sa negosyo din umaasa ng ikabubuhay ng kanilang pamilya.

Anong nangyari?

Anong nangyari? Ang paulit-ulit na naging tanong sa akin.
Anong nangyari? Tanging luha ang naisagot ko.
Anong nangyari? Tinanong ko din ‘yan sa aking sarili.

Pero ano nga ba talaga ang nangyari? Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan ang isang bagay na tapos na. At dahil binabasa mo ito, malamang interesado kang malaman. Ikukwento ko ba muna kung gaano naging masaya? O didirecho na tayo sa parteng sobrang masakit na?

Anim na taong pag-sasama, sino nga namang hindi magugulat pag nalamang ito’y tapos na? “Oh em! Anong nangyari? 😮” may kasamang emoticon pa. Ako naman, tanging “Wala e, Ganun talaga” ang nasabi. Wala nga kasing forever di ba? Please, bago mo sabihing “ang bitter nito”, sana alam mo kung gaano kasakit para sakin ito.