… and I will tell you how LUCKY you are. 🙂
Sa pag-lay low ko sa online life at pagiging busy sa tunay na mundo aka work ay mas nagkaroon ako ng time with my friends. 🙂
High School Friends
7 years of friendship. Hindi man madalas magkita-kita, andun pa din ang pagkakaibigan. Wala naman daw kasi yung kung gaano kayo kadalas gumimik o mag-party. Malalaman mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan kapag feeling mo tinalikuran ka na ng lahat pero sila anjan pa din sa tabi-tabi at pakalat-kalat lang. Haha. Kaya sobrang love ko ang mga ito e. 🙂
College Friends
August 29-30
Sinulit ang long weekend at naisipang mag-reunion. Sa panahon ngayon napakahirap na mag-set ng reunion dahil may mga work na at mahirap mag-adjust ng schedule na pwede lahat. Konti lang kami pero masaya din naman. Himala at walang masyadong nalasing, may sumuka pero walang gustong umamin! The best din ang araw na toh, ang saya kasi… pero mas masaya pa din talaga kung may AVANZA.
[spoiler /More Pictures/ /Hide Pictures/]
[/spoiler]
Balik PLM
Nainvite kami para mag-panel sa Thesis defense ng IT, at syempre nagsilbi na naman itong mini-reunion. 🙂 Sa totoo lang, namiss ko ang PLM. Huli akong nagpunta dun e 2010 pa.
After magpanel, foodtrip sa Intra. Lahat kami nagke-crave sa Liempo ng Faustina, yun nga lang pagpunta namin sarado na. 🙁 Kaya hanap na lang ng ibang makakainan. Pero bago yun, daan muna sa mausok at maingay na “Mags”. Ayun, ganun pa din ang amoy niya.. yung tipong paglabas mo, ganun na din amoy mo. 😀
Nag-dinner lang saglit tapos punta na ng Harbour Square. Tamang inom lang, pampaantok. Konting kwentuhan at tawanan. Solb na. 😉
Leave a Reply