2004 o 2005 mula nung naging tradisyon ko na gumawa ng year-end post, at etong taon na ata yung pinakamahirap at pinakamasakit. Sa totoo lang madami akong gustong sabihin, pero pakiramdam ko hindi pa ngayon yung tamang panahon para sabihin, kaya eto na lang muna…
Sa mga kaibigan at mga kamag-anak, maraming salamat sa lahat. Sa pagdamay sa panahong sobra akong nasasaktan. Sa pag-yakap tuwing pakiramdam ko hindi ko na kaya. Sa pakikinig sa walang humpay na drama at sa pagpunas ng mga luha. Salamat kasi mas nakilala ko kung sino yung totoong nagmamahal sakin. 😘
Sa’yo, Salamat. Salamat sa pamilya mo na buong puso akong tinanggap na maging parte ng pamilya niyo. Salamat sa anim na taon nating pinagsamahan. Alam kong hindi naman lahat yun naging masaya para sa’yo pero salamat pa din kasi pinili mo din mag-stay. Maraming salamat sa mga masasayang alaala. Salamat kasi sa mga taon na yun, yun na siguro so far yung pinakamasayang taon ng buhay ko. 🙂 You were a big part kung bakit ako masaya for the past years. Hindi ko lang inaasahang aabot tayo sa ganito, na masasaktan ako nang ganito, na mas pipiliin mong balikan yung nakaraan kesa ayusin kung anong meron tayo.
At sa sarili ko, I am sorry if you have to deal with all this pain. Sorry kung pakiramdam mo hindi ka enough dahil sa mga nangyari. Tandaan mo, balang araw dadating din yung tao na makikita yung halaga mo. Na ipaparamdam sa’yo yung pagmamahal na katumbas or higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay. 💕 Sana maibalik na ulit yung mga ngiti sa labi mo, mga ngiting walang halong pagpapanggap. 🙂
Hanggang dito na lang 2016. Salamat sa masasaya at masasakit na alaala.
Bagong Taon. Bagong Buhay…buhay na hindi ka na kasama.
Happy New Year sa lahat!
Leave a Reply