Kasi Mahal Kita

“Kasi mahal kita”, dito tayo nagsimula.
Kasi mahal kita, kaya naman naging tayong dalawa.

Sa bawat araw na lumipas, malungkot man o masaya,
Lubos na ipinagpasalamat dahil ika’y nakasama.

Lahat ng pinagdaanan, malungkot man o masaya,
Lahat nakayanan, kasi mahal kita.

Pero hindi pala sapat ang ‘kasi mahal kita’ para tayo’y magtagal pa.
Kaya ngayon palalayain na kita, kasi mahal kita.

Palalayain kita dahil gusto kong maging masaya ka.
Palalayain kita kasi mahal kita

Palalayain kita hindi dahil nasaktan mo ako ng sobra.
Palalayain kita kasi mahal kita.

Palalayain kita hindi dahil ayaw ko na.
Palalayain kita kasi mahal kita.

Nagsimula ang lahat sa kasi mahal kita.
Kaya hayaan mong tapusin natin kasi nga mahal kita.

— Aileen Erazo, 2016

u

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *