Minsan may mga ‘lakad’ na naipaplano habang nag-iinuman. Pero kadalasan hindi ito natutuloy dahil “usapang-lasing” lang. Pero sa kasong ito, tuloy kung tuloy.
Unang napag-usapan ay mag-Laiya, Batangas hanggang sa nauwi sa Pansol, Laguna ang ending? Ayun, sa North kami napunta. Nung Summer, naranasan ko na magdrive mula Mandaluyong hanggang Subic. And I swear hindi biro yung byahe. Kahit na ba automatic ang dala mong auto, for sure mapapagod ka. Kung yun ngang bus ride sa mga malalayong lugar, napapagod ka na, what more pa kung ikaw magmamaneho diba? Buti na lang talaga marunong na siyang mag-drive kaya siya na lahat.
First stop namin, Petron. Pa-gas lang at drive-thru sa Starbucks. Kape-kape din dahil pareho kami walang halos tulog. Mahirap nga naman kasi kung pareho kaming antukin sa byahe. After that, derecho na agad sa unang pupuntahan, ang Mt. Samat. EDSA – NLEX – SCTEX. Literal na dire-direcho lang yung dinaanan walang dapat problemahin kung maliligaw ka. Haha.
Dumating kami dun around 9:30 or 10, paakyat palang ng Mt. Samat e maeenjoy mo na dahil sa presko ng hangin. Yun nga lang hindi ko talaga inexpect na mataas-taas din pala yung aakyatin namin. I’m not complaining kasi worth it naman. Inakyat namin yung cross (buti may elevator) kasi kung wala ang payat ko na siguro after nito. Haha.
After ng side trip, alis na agad papuntang Anvaya Cove. I instantly fell in love with the place! Sobrang serene at relaxing nung ambiance.
/blog to be continued….
Leave a Reply