Tell me who your friends are

… and I will tell you how LUCKY you are.  🙂

Sa pag-lay low ko sa online life at pagiging busy sa tunay na mundo aka work ay mas nagkaroon ako ng time with my friends. 🙂

High School Friends

7 years of friendship. Hindi man madalas magkita-kita, andun pa din ang pagkakaibigan. Wala naman daw kasi yung kung gaano kayo kadalas gumimik o mag-party. Malalaman mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan kapag feeling mo tinalikuran ka na ng lahat pero sila anjan pa din sa tabi-tabi at pakalat-kalat lang. Haha. Kaya sobrang love ko ang mga ito e.  🙂

 
 

College Friends

August 29-30

Sinulit ang long weekend at naisipang mag-reunion. Sa panahon ngayon napakahirap na mag-set ng reunion dahil may mga work na at mahirap mag-adjust ng schedule na pwede lahat. Konti lang kami pero masaya din naman. Himala at walang masyadong nalasing, may sumuka pero walang gustong umamin! The best din ang araw na toh, ang saya kasi… pero mas masaya pa din talaga kung may AVANZA.

 

More Pictures ▼

Balik PLM

Nainvite kami para mag-panel sa Thesis defense ng IT, at syempre nagsilbi na naman itong mini-reunion. 🙂 Sa totoo lang, namiss ko ang PLM. Huli akong nagpunta dun e 2010 pa.

 

After magpanel, foodtrip sa Intra. Lahat kami nagke-crave sa Liempo ng Faustina, yun nga lang pagpunta namin sarado na. 🙁 Kaya hanap na lang ng ibang makakainan. Pero bago yun, daan muna sa mausok at maingay na “Mags”. Ayun, ganun pa din ang amoy niya.. yung tipong paglabas mo, ganun na din amoy mo. 😀

Nag-dinner lang saglit tapos punta na ng Harbour Square. Tamang inom lang, pampaantok. Konting kwentuhan at tawanan. Solb na. 😉

 
Continue Reading

First love ko

HELLO WORLD! ~ Ang nakakasawang title ng unang post kapag bago ang website mo. 🙂 Hello sa panibago na namang domain. Sa ika-7 na taon ko sa blogging world, hindi ko na maalala kung pang-ilang domain ko na ito.

Minsan naisip ko na tumigil na lang sa pagba-blog kasi hindi ko na rin naman mapanindigan yung inuumpisahan ko. Pero kahit anong gawin kong pagpigil, binabalik-balikan ko pa rin ito. Ito ang First Love ko. alt+3  Bakit nga ba ako nag-blog?

  1. Gusto ko i-share kung ano nararamdaman ko. –  Sa totoong mundo, mas madalas ako yung ‘nakikinig’ lang kaysa sa nagsasalita. Kaya dito ako naman ang magkikwento. 🙂 Mapa-masaya o malungkot pwede mo i-share dito, hindi dahil gusto mo ipangalandakan sa mundo kung ano nararamdaman mo (yung iba, wala naman kasi talagang pakielam dun) pero may mga tao na makakarelate sa’yo at isa un sa mga nakakatuwang feeling… ang malaman na hindi ka nag-iisa. 😀
  2. Malalaman mo kasi yung opinyon ng iba tungkol sa mga bagay-bagay. – hindi puro yung pinaniniwalaan mo lang. 🙂
  3. Trip ko lang talaga – Ang trip na matrabaho pero masaya. Minsan pwede pa kumita ng pera.

// Site Related:

  1. For Link Exchanges: Just leave a comment on this post. 🙂
  2. I’m still adding some pages, will update all links once I’m done with ’em
Continue Reading