More than just sadness

I started drafting this post last Saturday after reading a post on James Deakin’s page about a certain car that drove off the 4th or 5th level of a parking building. What struck we was a certain comment saying that the girl who’s driving the car committed suicide because of a broken heart. May her soul rest in peace. I got curious about what happened so I searched for her Facebook account.

Please follow and like us:
Continue Reading

Hanggang dito na lang 2016

2004 o 2005 mula nung naging tradisyon ko na gumawa ng year-end post, at etong taon na ata yung pinakamahirap at pinakamasakit. Sa totoo lang madami akong gustong sabihin, pero pakiramdam ko hindi pa ngayon yung tamang panahon para sabihin, kaya eto na lang muna…

Sa mga kaibigan at mga kamag-anak, maraming salamat sa lahat. Sa pagdamay sa panahong sobra akong nasasaktan. Sa pag-yakap tuwing pakiramdam ko hindi ko na kaya. Sa pakikinig sa walang humpay na drama at sa pagpunas ng mga luha. Salamat kasi mas nakilala ko kung sino yung totoong nagmamahal sakin. 😘

Sa’yo, Salamat. Salamat sa pamilya mo na buong puso akong tinanggap na maging parte ng pamilya niyo. Salamat sa anim na taon nating pinagsamahan.  Alam kong hindi naman lahat yun naging masaya para sa’yo pero salamat pa din kasi pinili mo din mag-stay. Maraming salamat sa mga masasayang alaala. Salamat kasi sa mga taon na yun, yun na siguro so far yung pinakamasayang taon ng buhay ko. 🙂 You were a big part kung bakit ako masaya for the past years. Hindi ko lang inaasahang aabot tayo sa ganito, na masasaktan ako nang ganito, na mas pipiliin mong balikan yung nakaraan kesa ayusin kung anong meron tayo.

At sa sarili ko, I am sorry if you have to deal with all this pain. Sorry kung pakiramdam mo hindi ka enough dahil sa mga nangyari. Tandaan mo, balang araw dadating din yung tao na makikita yung halaga mo. Na ipaparamdam sa’yo yung pagmamahal na katumbas or higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay. 💕 Sana maibalik na ulit yung mga ngiti sa labi mo, mga ngiting walang halong pagpapanggap. 🙂

Hanggang dito na lang 2016. Salamat sa masasaya at masasakit na alaala.
Bagong Taon. Bagong Buhay…buhay na hindi ka na kasama.

Happy New Year sa lahat!

Please follow and like us:
Continue Reading

Goodbye, 2015

Ilang oras na lang at isang taon na naman ang lilipas. Parang kumurap ka lang tapos na agad ang 2015. 😂

Sa 2015 ko na naging “No regrets, just love”, sa mistulang rollercoaster ride of emotions, sa mga gabing gising ako, at sa mga umagang inaantok, sa mga boteng naitumba kasabay ng aking pagtumba (haha). Salamat 2015. May mga araw man na naiyak ako, mas madami pa din yung araw na masaya ako.

Maraming salamat sa lahat ng naging parte ng 2015 ko. Salamat sa mga bagong kaibigan, mga bagong natutunan at salamat sa mga lumang tao sa buhay ko na hindi pa din ako iniwan. 😊

2016, sabi nga ng planner ko, sa taong ito “babangon ako at dudurugin sila” push natin yan hahaha.

Happy New Year sa lahat! 🎆🎆🎆

No Regrets, Just Love

Please follow and like us:
Continue Reading