Anong nangyari?
Anong nangyari? Ang paulit-ulit na naging tanong sa akin.
Anong nangyari? Tanging luha ang naisagot ko.
Anong nangyari? Tinanong ko din ‘yan sa aking sarili.
Pero ano nga ba talaga ang nangyari? Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan ang isang bagay na tapos na. At dahil binabasa mo ito, malamang interesado kang malaman. Ikukwento ko ba muna kung gaano naging masaya? O didirecho na tayo sa parteng sobrang masakit na?
Anim na taong pag-sasama, sino nga namang hindi magugulat pag nalamang ito’y tapos na? “Oh em! Anong nangyari? 😮” may kasamang emoticon pa. Ako naman, tanging “Wala e, Ganun talaga” ang nasabi. Wala nga kasing forever di ba? Please, bago mo sabihing “ang bitter nito”, sana alam mo kung gaano kasakit para sakin ito.
Kasi Mahal Kita
“Kasi mahal kita”, dito tayo nagsimula.
Kasi mahal kita, kaya naman naging tayong dalawa.
Sa bawat araw na lumipas, malungkot man o masaya,
Lubos na ipinagpasalamat dahil ika’y nakasama.
Lahat ng pinagdaanan, malungkot man o masaya,
Lahat nakayanan, kasi mahal kita.
Pero hindi pala sapat ang ‘kasi mahal kita’ para tayo’y magtagal pa.